Sunday 11 October 2015

How to Rock Your Christian Life

Many people think that Christians live a boring life. I wasn't able to escape this superficial idea before. Syempre, ano ba ang buhay ng isang Kristiyano? Aattend ng church, bible study, prayer meeting, evangelical training, at kung anu-ano pang church activities. Boring man ito sa iba, sa mga taong tumanggap na kay Hesus, ito ay nagdadala ng walang katumbas na kagalakan. Hindi alam ng karamihan that Christians live their lives to the fullest.

Photograph by Jay Malabanan

John 10:10 (NIV)
The thief only comes to steal and kill and destroy; I have come that they may have life, and live it to the full.

Naparito daw ang Panginoon para bigyan ng masagana at ganap na buhay ang Kanyang mga tupa (ang mga Anak ng Diyos) at hindi naparito katulad ng iba para mangwasak lang ng buhay. Kay Lord na mismo nanggaling na hindi dapat boring ang buhay ng mga Kristiyano. 


Here are 5 tips on how you can rock your life as a Christian.

1.  Stay connected with God. The more time you spend talking to God, the deeper you will know Him and the more you will love Him. Pag' nangyari yun, you'll get more inspired to do things for the Lord. Sino ba ang mabobore pa kapag gano'n? You will not find yourself idle because whenever you have free time, you grab that chance to connect to God.  Di'ba kapag mahal mo, gustung-gusto mong pinagsisilbihan? Hindi ka nakakaramdam ng pagod para sa taong yun. Ganon din ang taong nagmamahal kay Kristo, hindi iniinda ang pagod, puyat, gutom at kung ano pa man kasi gusto niya yung ginagawa niya. Lalo na kapag alam mong mahal na mahal ka ni God, you will find joy in serving Him.

1 Peter 1:8 (NIV)
Though you have not seen him, you love him; and even though you do not see him now, you believe in him and are filled with an inexpressible and glorious joy.

2. Surround yourself with godly people. Dahil walang ibang makaka-relate sayo kundi sila din. Trip nila ang mga trip mo. Bukod pa dun, nag-e-enjoy kang kasama sila at mas lalo kang lalakas spiritually kasi nagkakaroon ng fellowship. Hindi lang basta kaibigan ang turingan ninyo sa isa't isa, kaya nga brothers and sisters ang tawagan n'yo kasi you are bound by the blood of Christ. You are one in Spirit with them kaya may unity, na mas lalong nagpapatibay ng inyong samahan. 

Proverbs 13:20 (NIV)
He who walks with the wise grows wise, but a companion of fools suffers harm.

3. Get involved in ministry. God has given us talents so we could use it for His glory. Sa Panginoon iyon nanggaling kaya marapat lamang na ibalik natin ito sa Kanya. Nakakapagserve ka na kay Lord, na-e-enhance pa ang talents mo. Once you enter a ministry, you will encounter more challenges kaya nagkakaroon ng variety of emotions, hindi yung steady lang palagi that results into a boring life. Same feelings when you are still a student, kaya nga minsan nasasabi nating nakakamiss maging estudyante. Madalas sa work natin nakakaramdam na tayo ng boredom kasi same routine nalang, namaster na natin yung trabaho, wala ng challenge. Ang mga taong nasa ministry, palaging excited pagsilbihan si Lord sapagkat alam nila na may panibago na namang ipaparanas sa kanila si Lord. 

Psalm 37:4
Take delight in the Lord, and he will give you the desires of your heart.


4. Do the right thingDo not conform to the pattern of this world. Minsan kasi dala ng pakikisama kaya nakagagawa tayo ng mga bagay na labag sa ating kalooban, lalung-lalo na sa kalooban ng Diyos. Tulad nalang nang ayaw mo nang uminom ng alcoholic drinks, kaso yung mga tropa mo binubuyo ka, kesyo naging Kristiyano ka na hindi ka na marunong makisama, nagbago ka na at kung anu-ano pang ka-dramahan ang kanilang binubulalas. Ikaw naman eto para matapos na ang Maalaala Mo Kaya segment, pinagbigyan mo na. At hindi mo namamalayan napapasarap ka na pala sa pag-inom. Isa yan sa mga kahinaan nating mga Pilipino, Kristiyano man o hindi, kasama na yan sa traits natin. Hindi naman masamang makisama tayo, pero may tamang pinaglalagyan yan, hindi yung payag nalang tayo ng payag sa gusto nila. Hindi ba't mas magandang sumunod sa kalooban ng Diyos kaysa kalooban ng tao? 


Proverbs 10:28 (NLT)
The hopes of the godly result in happiness, but the expectations of the wicked come to nothing.


5. Enjoy the benefits. Being a child of God, you have so many benefits that you need to be aware of. Si God galante yan. He can give you anything that you are praying for as long as makabubuti sayo. Minsan pa nga mas higit pa dun sa hinihiling mo ang binibigay Niya. Kaya ang mga anak Niya nakakangiti pa din at masayang nakapagpupuri sa kabila ng mga problema kasi alam nilang hindi sila pababayaan ni God. Masasabi mo pa nga sa sarili mo na "Napakayaman kaya ng Ama ko sa langit kaya bakit ako mangangamba patungkol sa kakainin at bibihisin ko?" Samahan mo pa yan ng pagpapala, proteksyon, peace of mind, contentment at lahat na ng positibong mga bagay. San ka pa? Lahat ng tao naghahangad niyan. Kaya ang dami talagang benefits pag' na-kay Lord ka... Daig mo pa ang may life insurance.


Ephesians 1:11 (NLT)
Furthermore, because we are united with Christ, we have received an inheritance from God, for he chose us in advance, and he makes everything work out according to his plan.


Mapalad ang mga taong nasa piling ng Diyos dahil ang totoong kasiyahan ay sa Kanya lamang masusumpungan. Hindi ito tulad ng panandaliang kasiyahan na nadarama ng isang babaeng nagshopping para makalimutan ang stress sa bahay, at tulad ng panandaliang kasiyahan ng pag-inom ng alak ng isang lalaking iniwan ng girlfriend. Dahil ang mga kasiyahang iyon ay panandaliang lunas lamang. Ngunit ang taong nagtitiwala sa Diyos ay nagkakaroon ng buhay na ganap at kasiya-siya. Let's rock and roll to the Lord!

(If you are blessed with the topic, feel free to share it.)

No comments:

Post a Comment